International

Donald Trump, “morally unfit” sa kanyang posisyon

Nagpahayag ng saloobin si former FBI Director James Comey na “morally unfit” umano si US President Donald Trump sa kanyang posisyon.
Sa kanyang unang television interview matapos siyang tanggalin sa posisyon isang taon na ang nakaraan, sinabi ni Comey na hindi umano mahalaga kay President Trump ang katotohanan.

Ito ay kasunod ng mga paratang ni US President Trump na puno umano ng kasinungalingan si Comey.
Nag-ugat naman ang mga paratang ni Trump sa bagong aklat na inilabas ni Comey na pinamagatang A Higher Loyalty: Truth, Lies and Leadership na tinutukoy ang pag-upo ni Trump bilang presidente na puno umano ng pandaraya noong nakaraang eleksyon.
Ang ex-FBI chief ay nasa mainit na talakayan matapos isapubliko ang aklat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *