kumbinsihin
National

DOF, mahihirapang kumbinsihin ang mga senador na ipasa ang TRAIN Law 2

Aminado si Finance Assistant Secretary Tony Lambino na mahihirapan silang kumbinsihin ang mga senador para ipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2 at iba pang tax reform packages.

Sinabi ni Lambino na kailangan nilang mag-doble kayod para maipaliwanag ng maayos sa mga mambabatas na dapat maipasa ang mga Tax Reform packages na pagkukunan ng pondong pantustos sa mga proyekto ng pamahalaan.

Kabilang dito ang panukalang 14th month pay para sa mga kawani ng pamahalaan, universal health care at mga proyektong pang-imprastraktura.

Matatandaan na sa kanyang SONA, hinikayat ni Pangulong Duterte ang kongreso na matapos ang TRAIN Law 1.

Sinabi rin nitong ipasa na ang apat pang tax reform packages para sa mas epektibong pagbubuwis sa bansa.

Sektor ng Edukasyon, maaapektuhan sakaling hindi maipasa ang TRAIN Law 2

Apektado umano ang sektor ng edukasyon sa bansa kapag hindi naipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law 2.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, posibleng mangutang ang gobyerno para pampa-sweldo sa 800, 000 guro sa bansa.

Ganundin ang pagpapatayo ng mga paaralan.

Sinabi ni Briones na hindi dapat isisi sa TRAIN Law ang mataas na inflation rate.

Na epekto ng global increase ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Giit ni Briones na kapag hindi naipasa ang second package ng TRAIN Law ay apektado ang 528-bilyong piso na 2019 proposed budget ng DepEd.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *