mga oil companies
National

DOE, maghihigpit sa mga oil companies

Sa kalatas na ipinalabas, inaatasan ng Department of Energy (DOE) ang mga oil companies na magbigay ng kanilang “weekly updates” kasama ang computation at iba pang mga batayan kung bakit tataas o bababa ang presyo ng oil products.

Inaatasan din ng ahensya ang mga kumpanya na direktang i-anunsyo ang oil updates sa kanilang mga retail centers sa buong bansa para malaman ng mga consumers ang dahilan ng increase o rollback.

Kailangan na maitakda ng mga oil companies ang transparency sa presyo ng gasolina, automotive at industrial diesel, kerosene, jet fuel, bunker fuel maging sa oil household and automotive liquefied petroleum gas o LPG.

Ang bagong polisiya ay sakop ng Republic Act No. 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 na nag-aatas sa DOE na imonitor ang presyuhan ng mga produktong petrolyo sa loob at labas ng bansa.

Subalit, kinondena naman ng Freedom From Debt Coalition ang aniya’y mababaw na hakbang ng DOE.

Target naman ng DOE na maipatupad ang naturang kautusan sa huling linggo ng buwan ng Hunyo.

Ulat ni MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *