National

Diplomatic actions ng pamahalaan sa WPS, tuloy

Patuloy na idadaan ng Pilipinas sa diplomatic actions ang usapin patungkol pinag-aagawang teritoryo na West Philippine Sea.

Ito ang iginiit ni Department of Foreign Affairs  (DFA) Undersecretary Ernesto Abella, lalo na sa mga bansang kabilang sa mga umaangkin sa naturang teritoryo gaya ng China.

Pagtitiyak ni Abella, protektado ng pamahalaan ang areas of cooperation ng bansa gaya ng seguridad ng karagatan, kaligtasan sa paglalakbay, langis at gas, palaisdaan at environmental concerns.

Ani abella, saklaw din sa diplomatic actions ng bansa ang lahat na may kaugnayan sa seguridad kabilang na rito ang presensya ng bomber planes ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa ang DFA sa publiko kung may mga pag-uusap kaugnay sa diplomatic actions na hindi maaaring isapubliko.

Bagama’t inaasahan na nila ang paninira at batikos kaugnay sa hakbang na ito ng pamahalaan ay sinigurado naman ng DFA na hindi nagpapabaya ang departamento pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.

Ulat Ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *