National

DILG Usec. Diño, ipinagkibit-balikat ang planong pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng PCG

Hindi umano problema ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño ang pagkakabilang nito bilang Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Ito ang binigyang-diin ni Diño sa panayam ng SMNI News sa programang Usaping Bayan kaugnay sa planong pagsasampa ng kaso rito ng mga opisyal ng PCG dahil sa pagsusuot ng uniporme ng PCG Auxiliary.

Kaugnay nito, handa naman umanong ibalik ang opisyal na ibinigay sa kanya sa ilalim ng PCG Auxiliary.

Importante lang aniya ay ang layunin nito na makatulong sa pagbibigay ng impormasyon o kaalaman sa mga barangay pagdating sa panahon ng kalamidad.

Samantala, kinuwestyon naman ni Diño ang planong pagsasampa ng kaso sa kanya ng mga opisyal ng PCG.

Aniya, bakit siya lamang ang sasampahan ng kaso gayong may mas mataas pa na opisyal ng PCG Auxiliary na miyembro rin ng 101st Manila Yacht Club Squadron.

Base sa pahayag ng PCG, pinag-aaralan nila ngayon ang pagsasampa ng kasong Usurpation of Authority laban kay Diño dahil sa pasusuot nito ng uniporme ng Rear Admiral PCG Auxiliary gayong hindi naman umano ito miyembro nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *