National

DILG, tutol sa pagpapatayo ng hotel at casino sa Boracay

Tutol ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa plano ng Macau Casino Operator na Galaxy Entertainment Group na magtatayo ng multi-milyong casino sa isla ng Boracay sa Aklan.

Ito’y kasunod ng planong rehabilitasyon at pansamantalang ipasara ang Boracay dahil sa maruming kapaligiran nito.

Ayon kay DILG secretary at Boracay Inter-Agency Task Force member Eduardo Año, hindi marapat na itayo sa Boracay Island ang casino.

Iginiit ni Año na dapat ay ikonsulta muna ito sa mamamayan ng Malay at sa buong Aklan upang kunin ang opinyon ng publiko.

Samantala, tinatayang nasa 36,000 katao ang mawawalan ng trabaho sa Boracay kapag tuluyang isinara ang Boracay sa mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *