National

DILG, may bagong panuntunan sa pagpili ng barangay officials ngayong eleksyon

Magpapatupad ng bagong panuntunan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa pagpili ng mga ihahalal na opisyal sa mga barangay.

Ito ang inihayag ni DILG Usec. Martin Diño sa panayam ng SMNI News, kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election ngayong Mayo.

Ayon kay Diño, hihimukin nila ang publiko na ihalal na kanilang mga opisyal ng barangay ang mga walang bahid ng korapsyon o krimen.

Samantala, nilinaw naman ni Diño na hindi dapat magtaka sa mga gagamiting balota sa nalalapit na eleksyon.

Ayon sa opisyal, may petsang 2017 ang mga balotang gagamitin dahil ito ang naunang naimprenta ng Commission on Election o COMELEC.

Matatandaan na ipinagpaliban ng kongreso ang naturang eleksyon bunsod na rin ng mungkahi ng Palasyo na ipagpaliban ito dahil posibleng magamit ng mga kasalukuyang barangay officials para sa kanilang kampanya ang pera mula sa iligal na droga.

Una ng sinabi ng pangulo na marami sa kasalukuyang barangay officials ang kabilang sa druglist nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *