National

DILG idinepensa ng Malakanyang sa fire trucks contract na ikinasibak ni Sueno


Tuloy pa rin ayon mismo sa Malakanyang ang pagbili ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pitong bilyong pisong halaga ng Rosenbauer fire trucks sa Austria.
Magugunitang naging kuwestiyonable ang nasabing kontrata na siyang dahilan ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating DILG Secretary Ismael “Mike” Sueno.
Depensa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, perpekto at walang irregular sa nasabing kontrata at wala ring pinalabas na temporary restraining order (TRO) ang korte tungkol dito.
Una nang humirit ng TRO sa Supreme Court (SC) si dating Congressman Jonathan Dela Cruz para harangin ang pagbili ng DILG sa mamahaling fire trucks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *