Sec. Rio
National

DICT Acting Sec. Rio, wala pang impormasyon na papalitan siya ni Sen. Honasan

INAMIN ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio na wala pa siyang natatanggap na impormasyon.

Kaugnay ito sa umano’y pagpalit sa kaniya ni Senador Gringo Honasan.

Sinabi ni Rio na nakahanda siyang sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaniyang posisyon.

Una nang kinumpirma kamakailan ni Senate President Tito Sotto na pamumunuan ni Honasan ang DICT.

Samantala, nagpapasalamat naman si Rio kay Pangulong Duterte sa pagtalaga sa kaniya bilang acting secretary ng DICT.

Si Rio ay dating sundalo at opisyal ng National Telecommunications Commission.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *