tulog
Health

‘Di sapat na tulog: sintomas at solusyon

KARAMIHAN sa mga tao ay mayroong problema sa kani-kanilang tulog.
Kaya’t narito ang ilang sintomas na dapat malaman at paraan upang maiwasan.
Sintomas:

  1. Daytime Tiredness
    Mga pagkakataon na tamad na tamad kang kumilos sa umaga. Malimit napaghikab at pag-uunat. Gustong-gusto mo rin umidlip kahit ilang minuto sa
    araw. Kung ganito ang nararanasan mo, posibleng mayroon kang Sleep Deprivation.
  2. Malimit na pagkakamali sa trabaho/ aksidente
    Hindi rin maiwasan ang mga pagkakamali sa gawain, bunsod ito ng labis na pagkapuyat o kawalan ng tulog. Nakararanas din ng pagkahilo at kawalan ng gana dahil sa pagiging antukin. Sa Pilipinas, karamihan sa sanhi ng mga aksidente sa kalsada ay pagkatulog sa pagmamaneho ng tsuper.
    3. Pagkakaroon ng tigyawat

Apektado rin ng kakulangan sa pagtulog, ang abnormal na daloy ng body hormones. Kapag di ito naagapan maapektuhan ang mga kutis dahil sa pagtubo ng mga butlig-butlig at tigyawat.
4. Mainit na ulo
Mabilis uminit ang ulo at iritable ang kondisyon ng taong walang sapat na tulog.
Ang mga taong hirap din makatulog ay nakapag-iisip ng kung ano-ano kaya’t di maiwasan sa kanila ang depresyon.
Solusyon:

  1. Melatonin
    Nakatutulong ang hormone na ito sa tamang pagre-regulate ng katawan upang mabilis na makatulog, nirerekomenda ng ilang eksperto na uminom ng mga nirekomendang food supplement ng inyong doktor na mabibili sa mga pinagkakatiwalaang botika.
  2. Pag-inom ng gatas

Ang calcium na makukuha rito ay nakapagbibigay ng magandang benepisyo sa utak ng tao, na nagdudulot ng magandang kondisyon ng tao. Maaari rin uminom ng soy milk.

  1. Magnesium

Ayon pa sa ilang mga eksperto, nakatutulong din ang magnesium sa mga taong hirap sa pagtulog. Payo nila, kumain ng mga gulay na mabeberde, dark chocolate at pumpkin seeds. Ito raw ang may pinakamayamang mapagkukuhaan ng magnesium.

  1. Pag-eehersisyo

Ang taong nag-eehersisyo ay nakararanas din ng pagkapagod dahilan upang hanapin ng katawan ang pagtulog. Ugaliin ang wastong ehersisyo na bagay sa inyong katawan.

  1. Maglibang
    Ang labis na pag-iisip sa mga nangyari sa maghapon at mangyayari sa hinaharap ay maaaring maging sanhi upang di makatulog. Upang maiwasan ito, ugaliin ang simpleng panonood ng paboritong programa, pakikinig ng musika at pagbabasa ng mga aklat o magasin na nakatutulong upang marelaks at mas mapadaling antukin.
  2. Magkaroon ng wastong time-management

Nakatutulong ang tamang pagtatakda ng oras sa mga gawain upang makapaglaan ng panahon sa pagtulog.
Paalala ng mga eksperto ang katawan ng tao ay parang cellphone na nangangailangan ng tamang pagpapahinga at paglalaan upang ma-recharge.

(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *