National

Di-sapat na suporta ni Duterte kung bakit ni-reject ng CA ang appointment ni Lopez


Isinisisi ng ilang miyembro ng Makabayan bloc ang hindi sapat na suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi tinanggap ng Commission on Appointments (CA) si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Act Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na bagama’t malinaw ang public support ni Duterte kay Lopez, sa huli’y ang CA ang siyang nagpasya sa kapalaran ng kalihim.
Ang rejection aniya sa appointment ni Lopez ay dahil na rin sa mining interests ng mga mambabatas.
Para naman kay Anakpawis Representative Ariel Casilao, ‘unquestionable’ ang suporta ni Pangulong Duterte para kay Lopez.
Subalit hindi aniya ito naging sapat para kumbinsihin ang mga miyembro ng CA para kumpirmahin ang appointment ni Lopez.
Matatandaang bago pa man ibinasura ang appointment ni Lopez, ni-reappoint siya ni Duterte makaraang ma-bypass ang huli bago pa man ang session break ng Kongreso noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *