National

Di-pagdalo sa pagdinig ng kaanak ng umano’y napatay ng OFW na si Dalquez, answered prayer — Malacañang


Labis na nagpapasalamat ang Malacañang   sa bagong development sa kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez na nahaharap sa kasong pagpatay sa Abu Dhabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, answered prayer sa kaso ni Dalquez ang hindi pagharap sa pagdinig ng dalawang anak ng umano’y napatay nito sa kabila ng utos ng judge noong Abril 12.
Dahil dito, hiniling na ng legal counsel ni Dalquez na maibasura ang kaso at maabsuwelto ang ating kababayan.
Kaugnay nito, umaapela ang Malacañang   sa patuloy na pagdarasal para sa acquittal ni Dalquez at makabalik na ito sa Pilipinas.
Ilalabas naman ang hatol ng hukom sa Mayo 24 ng taong kasalukuyan.
 
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *