nadamay
National

DFA, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa shooting incident sa Florida, USA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipino ang kabilang sa nadamay kasunod sa nangyaring mass shooting sa Jacksonville Landing, Florida kahapon na ikinasawi ng tatlong katao at habang labing isa naman ang sugatan.

Sa kabila nito patuloy pa rin na minomonitor ng DFA ang sitwasyon ng mga Filipino community  sa lugar

Tinatayang nasa 13,700 na mga miyembro ng Filipino Community sa Florida 4th Congressional District kabilang na ang Jacksonville.

Nangyari ang nasabing pamamaril  ni David Katz, 24-anyos nang matalo ito sa isang computer game.

Agad rin syang nagpakamatay matapos ng pamamaril.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *