National

DFA, sinimulan na ang kampanya laban sa mga

Sinimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kampanya laban sa mga fixers.

Ito’y matapos mahuli ang mahigit dalawampu’t tatlong suspek sa pagbebenta ng passport apppointment slot.

Pinaalalahanan din ng DFA ang mga aplikante ng passport na mag-ingat at iwasan ang mga naglipanang fixers.

Nasakote ang nasabing mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Aseana, Parañaque; Libertad sa Pasay; at sa Gate 3 Plaza sa Taguig.

Ayon kay Ricarte Abejuela III, acting director ng Passport Division of the Office of Consular Affairs, na nagbubukas ang DFA ng mga panibagong slots araw-araw para sa buwan ng Marso hanggang Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *