National

DepEd, wala pang namo-monitor na estudyanteng nagkasakit dahil sa Dengvaxia

KINUMPIRMA ni Department of Education Sec. Leonor Briones na wala pa silang
natatanggap na nagkakasakit mula sa higit 700,000 mag-aaral na nabakubahan ng
Dengvaxia.
Gayunpaman, inabisuhan na rin ng DepEd ang mga paaralan na bigyang kaalaman ang
mga magulang ng mga estudyante kaugnay sa sintomas na epekto ng bakuna.
Matatandaang ipinahinto muna ng Department of Health ang pamimigay ng nabanggit
na bakuna matapos na sabihin mismo ng kumpanyang Sanofi Pasteur na posibleng
magdulot ng masamang epekto ang naturang vaccine sa mga taong hindi pa nakaranas
o nagkaroon ng dengue.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *