SWS
National

Departamento na titingin sa mga pangangailangan ng bawat distrito sa bansa, ipinanukala ng Palasyo

Nais ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magkaroon ng departamento na titingin sa mga pangangailangan ng bawat distrito sa bansa.

Sa gitna ito ng mga alegasyon ng mga isiningit na pondo at mga kwestyunableng alokasyon sa panukalang 2019 National Budget.

Sinabi ni Panelo na ang bagong departamento ang magsasabi kung ano ang kailangang lagyan ng pondo sa bawat distrito dahil sa ngayon ay iba-iba ang nagrerekomenda at nagdedesisyon kaya’t marami rin ang oportunidad para sa katiwalian.

Dapat na aniyang matigil ang gulo sa budget at hindi niya maunawaan kung bakit nagkakaroon ng ganito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *