National

DENR Usec. Noel Felongco, itinalaga bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor

Nagtalaga na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP.

Ito ay sa katauhan ni Environment Undersecretary Noel Felongco.

Papalitan ni Felongco, ang sinibak sa pwesto na si Terry Ridon, na dati namang naging miyembro ng Kamara sa ilalim ng Kabataan Partylist.

Matatandaan naman na sinibak sa pwesto si Ridon dahil sa isyu ng pagbiyahe sa labas ng bansa.

Bago naman ang pagtatalaga kay Felongco, una ng pinangalanan ni Pangulong Duterte si Efren Peñaflorida bilang chairman ng PCUP.

Dahil sa hindi matagpuan ang Peñaflorida kaya nagtalaga ng panibago ang pangulo.

Maliban kay Felongco, itinalaga rin ng pangulo si Romeo Jandugan bilang PCUP Commissioner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *