House of Representatives
International

Democrats, dinomina ang pwesto sa House of Representatives

DINOMINA ng Blue Wave o ng Democrats ang bilang sa United States of America House of Representatives sa 2018 midterm elections.

Ito ay matapos na makahakot ng higit 220 na pwesto ang Democrats sa House kumpara sa halos dalawandaang bilang ng Republicans.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang bilangan kung saan nasa higit sampung pwesto pa ang kulang para sa 435 seats sa House.

Naungusan naman ng Republicans ang Democrats sa Senate post matapos maihalal ang nasa 51 kandidato ng Republicans.

Sa ngayon nasa 44 senatorial candidates’ ng Democrats ang naihalal sa Senado.

Habang dalawa sa ibang partido at tatlo pa ang hindi pa naidedeklara.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *