Defense Secretary Delfin Lorenzana
National

Defense Secretary Delfin Lorenzana, na-ospital

KASALUKUYANG naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, isinasailalim siya sa routine executive check-up kaya siya dinala sa nasabing ospital.

Taliwas ito sa espekulasyon na cardiac arrest ang dahilan ng pagka-ospital ng Defense secretary na mariing din niyang pinabulaanan.

Paliwanag ng 70-year-old official, tanging stress-related fatigue ang nakita sa naturang routine check-up.

Umaasa naman si Lorenzana na agad din siyang makakauwi sa loob ng isa o dalawang araw na pamamalagi sa pagamutan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *