Unconditional Cash Transfer
National

DBM, naglaan ng P36.5-B para sa 2019 Unconditional Cash Transfer

Tinatayang nasa 36.5 bilyong piso ang ilalaan ng pamahalaan para sa Unconditional Cash Transfer (UCT).

Ito ay batay sa proposed national budget na isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Tatanggap ng one time payment na nagkakahalaga ng 3,600 piso sa isang taon o 300 pesos kada buwan.

Pasok dito ang nasa 10 milyong pinakamahihirap na mamamayan na hindi nabiyayaan sa tax cuts.

Una nang tumanggap ngayong taon ng 2,400 piso o nasa 200 piso kada buwan ang 10 milyong mahihirap na mamamayan.

Ayon kay Diokno, inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Setyembre ang pamamahagi ng UCT para sa taong 2018.

Sa Hunyo 2019 naman makukumpleto ang pamamahagi ng 3,600 one time payment ng UCT sa inilaang budget para sa susunod na taon.

Ang mga makikinabang ng UCT ay binubuo ng mga tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Maging ang mga senior citizen sa ilalim ng social pension program ay makikinabang rin.

At ang iba pang mahihirap na kinilala ng DSWD sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *