full alert
Regional

Davao City, isinailalim sa full alert status

MULING isinailalim sa full alert status ang Davao City.

Kasunod ito ng nangyaring sunod-sunod na pagpapasabog ng bomba sa Isulan, Sultan Kudarat.

Naglagay na ng mga checkpoints ang Davao City Police Office sa mga kritikal na lugar.

Inalerto din ng pulisya ang mga internet café sa lungsod na maging mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang mga tao na pumapasok.

Una nang naitala ang pagsabog sa Isulan noong Agosto 28 na muling sinundan nitong gabi ng Linggo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *