National

Datu Sajid Ampatuan nahaharap sa 161 kasong kriminal dahil sa ‘ghost’ projects


Nahaharap ngayon sa 161 kasong kriminal sa Sandiganbayan si Datu Sajid Islam Ampatuan.
       Ito ay matapos madiskubre ang iba’t ibang ‘ghost’ projects at anomalya nang siya ay naging officer-in-charge ng probinsiya noong 2009.
       Umaabot umano sa P95.62 milyon ang ikinalugi ng gobyerno sa road at school projects na hindi umano naipatupad dahil ang pondo para rito ay hindi umano nagamit sa dapat paggamitan.
       Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, nangyari ang mga iregularidad ilang buwan bago pa man inakusahan ang angkan ng mga Ampatuan ng pamamaslang sa 58 katao, kabilang na ang 32 journalists noong Nobyembre 23, 2009.
       Sinampahan din ng kaparehong kaso sa Sandiganbayan si Officer-In-Charge Provincial Engineer Landap Guinaid, kahit pa binawian na ito ng buhay noong Hulyo ng nakaraang taon, sa naganap na ambush sa Shariff Aguak.
       Isa rin sa mga nasasakdal ay si dating Provincial Administrator Norie Unas, ang star witness sa electoral sabotage case laban kay dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *