Dating PNP Chief Purisima
Metro

Dating PNP Chief Purisima posibleng madiin sa kasong perjury

POSIBLENG madiin sa kasong perjury si dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima.

Ito ang paniniwala ng mga mahistrado ng Sandiganbayan base sa mga ebidensyang inilatag ng prosekusyon.

Pinayuhan ng anti-graft court ang kampo ni Purisima na agad tumugon sa naturang mga ebidensya kaysa humiling ng pagbasura sa kaso.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng dating PNP chief.

Kungsaan ay humihiling ito na isantabi ang kasong may kinalaman sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.

Binigyan ng limang araw si Purisima para magkomento sa resolusyon ng Sandiganbayan.

Bukod sa perjury, nahaharap din sa kasong graft si Purisima dahil sa maanomalyang courier service deal ng PNP.

Samantala, nakabinbin ang kanyang kasong may kinalaman sa madugong Mamasapano encounter dahil sa bisa ng Temporary Restraining Order.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *