National

Dating Pang. Noynoy Aquino, pinaghihingi ng sorry sa pagbili ng Dengvaxia

IGINIIT ni Senador Richard Gordon na dapat humingi ng paumanhin sa gobyerno si Dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa pagbili P3.5-billion halaga ng Dengvaxia vaccines sa kaniyang termino.
Sinabi ni Gordon na nakumpleto na ng Senate Blue Ribbon Committee ang rekomendasyon nito sa kontrobersiya na Dengue vaccine.
Nakasaad sa rekomendasyon na tila iniiwasan daw ni Aquino ang responsibilidad nito sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay Gordon, kahit humingi ng paumanhin si Aquino ay hindi ito maaabswelto sa kaniyang pananagutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *