RCBC
National

Dating manager ng RCBC, guilty sa kasong money laundering

HINATULANG guilty ng Makati Regional Trial Court Branch 149 si dating RCBC bank manager Maia Deguito.

Ito ay sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act.

Kaugnay ito sa pagkakasangkot Ni deguito sa $81-milyon Bangladesh Bank heist noong 2016.

Sa desisyon ng korte, sinentensyahan si Deguito ng 4 hanggang 7 taon na pagkakabilanggo.

Ito ay sa bawat bilang ng walong kaso ng money laundering na kinahaharap nito.

Pinagbabayad din si Deguito ng $109M na multa.

Dahil sa paglilipat ng pera mula sa Bangladesh Central Bank papunta sa ilang bank accounts sa RCBC noong 2016.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Demetriou Custodio, legal counsel ni Deguito na maghahain sila ng motion fo reconsidertaion sa naging desisyon ng korte.

Sa ngayon, nananatiling nakalaya sa Deguito sa kabila ng naging desisyon ng Makati City RTC Branch 149.

Samantala sa isang pahayag, sinabi ni RCBC spokesperson Thea Daep na ang guilty verdict kay Deguito ay patunay na biktima lamang ang bangko.

At aniya ay wala itong kinalaman sa nasabing kaso.

Tinawag din nito si Deguia na isang rogue employee.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *