Pilipinas
National

Dating DFA secretary, dismayado sa posisyon ng Pilipinas kaugnay sa WPS

Nananatiling nakagapos pa rin ang bansa sa kabila ng pagpabor ng UN Arbitral Court sa Pilipinas kaugnay sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea dalawang taong na ang nakalilipas.

Sa pagugunita sa ikalawang anibersaryo ng nasabing arbitral ruling, ay sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ang kasalukuyang posisyon ng China at Pilipinas sa nasabing isyu ay hindi katanggap-tanggap.

Ipinunto ni del Rosario na sinayang lamang ng kasalukuyang administrasyon ang dalawang taon na dapat sana ay nakapaglikom ng suporta mula sa ibang bansa para itaguyod ang nasabing court ruling.

Sinabi rin niya na malaking tulong ang nasabing desisyon sa international community dahil sa napapanatili nitong mapayapa ang iba’t ibang bansa.

Ayon kay del Rosario, “In this light, we must as well consider our own country’s character since we have once been a reliable advocate for international law.”

Sa kabila nito ay naniniwala naman si del Rosario na may marami pang pagkakataon upang isulong ang nasabing arbitral court decision.

Maari aniya tayong humingi ng tulong mula ASEAN o United Nations na nagnanais din ng kapayapaan kasabay ng pag-giit na wala sa lugar ang sapilitang diplomasya sa isang kautusan na nakabase sa pandaigdigang batas.

Bagay na sinang-ayunan din ni Vice President Leni Robredo.

 Ayon kay VP Robredo, “We want the world to know that, together, our nations can shine a path towards global peace, as advocates of the rule of law.”
Samantala, sa pahayag ng Malakanyang, tinitiyak ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na patuloy nilang igigiit kung ano ang teritoryo ng Pilipinas.
Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *