System
National

Data privacy rights, protektado sa National ID System

Pangunahing prayoridad sa implementasyon ng National ID System ay ang maprotektahan ang data privacy rights ng mga Pinoy.

Ito ang tiniyak ni National Privacy Commission (NPC) Chairman Raymund Liboro kasunod ng pagsasabatas sa Philippine Identification System (PHILSYS) Act.

Siniguro ni Liboro na tutugunan nila ang mga pangamba sa privacy ng mga mamamayan sa implementasyon ng National ID System.

Isa sa ikinabahala ng ilang indibidwal ay magamit ang mga impormasyong nakalagay sa National ID ng hindi otorisado.

Tinukoy ng NPC Chairman na ang biometric information ng isang tao ang pinakamaselan sa National ID.

Optional naman ang paglalagay ng mobile number.

Sinabi ni Liboro na tutugunan nila ang mga pangamba sa privacy ng mga mamamayan.

Makikipagtulungan din sila sa Philippine Statistics Authority (PSA) na magsisilbing implementing agency na hahawak at magbibigay ng proteksyon sa mga impormasyong nakolekta sa ilalim ng PHILSYS.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *