dalawang journalist
International

Dalawang Reuters journalist, makukulong ng 7 taon sa Myanmar

HINATULAN ng pitong taong pagkakakulong ang dalawang journalist ng Reuters sa Myanmar.

Matapos lumabas na guilty sa Breaching of Official Secrets Act Section 3.1 ang mga ito.

Ani Yangon Northern District Judge Ye Lwin na sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo ay nakakuha ng mga confidential documents at nalapastangan ang pre-colonial era Official Secret Act.

Mariin naman itong kinondena ng Press Freedom advocates, the United Nations, the European Union.

Kabilang sa nagkondena ang mga bansa ng United States, Canada at Australia matapos lumabas ang naging pahayag ng dalawang reporter na na-set-up lamang sila.

Giit ng dalawang reporter na bago mangyari ang pag-aresto sa kanila ay may dalawang pulis na nag-abot sa kanila ng mga papel sa isang restaurant sa Yangon.

Tumestigo din naman ang isang pulis na nasaksihan ang nangyari sa restaurant.

Kaya naniniwala ito na naset-up lamang ang dalawang reporter bilang parusa sa pagbabalita sa naging mass killing sa Rohingya.

Sabi pa ni Wa Lone, hindi sila natatakot dahil wala naman talaga silang ginawang masama.

Naniniwala din aniya sila sa justice, democracy at freedom.

Magugunitang bumagsak ang seguridad ng bansang Myanmar matapos ang naging pag-atake ng mga militante noong Agosto, 2017.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *