Matapos
Metro

Dalawang 2nd-hand Porsche, nasabat ng Customs sa NAIA

Matapos ang ikalawang pagwasak ng mga mamahaling sasakyan na iligal na ipinuslit sa Port Irene Sa Sta. Ana, Cagayan, panibagong luxury car naman ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA).

Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, tinatayang nagkakahalaga ng P28-M ang dalawang 2nd-hand Porsche.

Kabilang dito ang Panamera 4S na may halagang P18-M at Boxster na nasa P10-M ang halaga.

Ang importasyon ng nasabing mga sasakyan ay ipinagbabawal sa ilalim ng EO 156.

Ito ay ang Banning the Importation of used vehicles na inamyendahan sa ilalim ng EO 877-A.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *