standardized herbal drugs
Health

Dagdag na standardized herbal drugs, sasailalim sa pre-clinical at clinical testing

NASA 28 standardized herbal drugs na gawa sa ilalim ng Comprehensive Drug Discovery Program o “Tuklas Lunas” Program ng Department of Science and Technology ang nakatakdang isalang para sa pre-clinical at clinical tests ngayong taon.

Ayon kay former DOST Undersecretary Amelia Guevara, sinimulan nila ang formulation noong 2010 ngunit naipagpatuloy na lamang ito taong 2013 nang naibigay sa kanila ang pondo para sa proyekto.

Target ng formulation na maging anti-cancer, anti-diabetes, anti-inflammation, at anti-hypertensive.

Positibo naman si Guevara na pagkatapos ng isa o dalawang taon o sa taong 2022 ay magkakaroon na ng ilang dagdag na standardized drugs sa merkado.

ARJAY EYDAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *