National

Dagdag-kontribusyon sa SSS matatagalan pa


Hindi pa ipatutupad ang dagdag- kontribusyon para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).
    Sinabi ni SSS president and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na hindi naman kaagad-agad itong maipatutupad.
    Ayon kay Dooc, bukod sa wala pang official order si Pangulong Rodrigo Duterte, matatagalan din ang pag-upgrade ng kanilang system.
    Una nang inihayag ang dagdag sa kontribusyon nitong Enero kasabay ng dagdag-pensiyon sa mga retiradong miyembro ng SSS.
    Paliwanag ni Dooc, na kailangan ang dagdag-kontribusyon upang matustusan ang pagtaas ng pensiyon.
    Sa huling tala nitong Nobyembre, nasa 34.78 milyon ang rehistradong miyembro ng SSS samantalang 2 milyon naman ang mga pensiyonado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *