mass prison break
International

Daan-daang preso, nakatakas sa mass prison break sa Indonesia

DAAN-daang preso ang muling nakatakas mula sa isang narcotics detention center sa Sumatra Island, Indonesia nitong Huwebes matapos lamang ang naganap na mass prison break sa lugar noong Sabado.

Napag-alaman na nagwelga at nagpasimula ng sunog ang mga preso matapos umanong paghahampasin ng ilang mga guwardiya ang ibang mga kapwa preso na nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bagama’t naibalik na sa kulungan ang karamihan sa mga preso ay nasa isandaan pa rin ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *