Cristiano Ronaldo
Sports

Cristiano Ronaldo, hangad makuha ang kampeonato para sa bago nitong team

Isang linggo matapos lumagda ng kontrata ang 5-time World Player of the Year sa Juventus, target ngayon ni Cristiano Ronaldo ang unang championship league title para sa kanyang bagong club.

Ayon sa 33 anyos na si Ronaldo, ang kaniyang paglipat sa Juventus ay kaniyang pinag-isipang mabuti.

Aniya, bata pa siya at gusto pa ng mga bagong challenges sa buhay.

Dagdag pa nito na matuturing na best club ang Italy dahil sa magaling na manager at mga coaches.

Ayon kay Ronaldo, “I’m still very young and I always liked the challenges. It was a well thought-out decision. It is the best club in Italy. It has an outstanding manager (Massimiliano Allegri) and coaches so it was not a difficult decision to take.”

Naging dahilan din ng kanyang paglipat ay ang mainit na pagtanggap ng mga Turin Clubs fans noong nakaraan itong bumisita para sa champions league quarter finals, na kung saan naka-overhead kick si Ronaldo.

Dagdag pa ng Portugal team forward, na ang ganoong klaseng pag welcome ay nakadagdag sa kaniyang motibasyon para makapagsimula ng bagong adventure sa buhay at sa career.

“Being welcomed this way is so rewarding. It increases your motivation to start a new adventure.” – Ronaldo

Si Cristiano Ronaldo ay lumagda ng four-year contract na nagkakahalaga ng 100 million euros o mahigit US$117 million.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *