Metro

Computerized sketch ng 2 suspek na nanloob sa isang Thai parlor sa Makati, inilabas ng SPD

NAGLABAS na ng computerized facial composite o sketch ang Southern Police District
(SPD) ng isa sa dalawang lalaki na nanloob sa isang Thai massage parlor sa Lungsod ng
Makati.
Batay sa imbestigasyon, pumasok ang mga armadong lalaki sa Nuat Thai Massage
Center ng at sinamsam ang apat na cellphones ng mga empleyado.
Inilarawan ng masahistang si Jude Cabigas ang isa sa mga salarin na matangkad, payat,
nakasuot ng sumbrero at kulay gray na jacket habang ang isa naman ay medyo maliit at
nakasuot ng itim na jacket na may hood.
Matapos isagawa ang krimen, ay sumakay ng Hyundai Starex ang mga suspek at
tumakas patungong South Super Highway.
Ayon sa SPD, natuklasan na “NDF 332” ang plate number ng van na nagsilbing gateaway
vehicle ng mga suspek sa nasabing robbery incident.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *