SD cards
National

Comelec, hindi babayaran ang mga sirang SD cards

SINISINGIL diumano ng supplier ng SD card na S1 ang Comelec dahil sa nagastos nito matapos magdeliver ng panibagong SD cards matapos ang nangyaring malawakang pagkasira ng mga ito sa kasagsagan ng transmission ng mga datos.

Pero nanindigan si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi magbabayad ang ahensiya sa hinihinging danyos ng S1 na nagkakahalaga ng mahigit dalawampung milyong piso.

Ani Guanzon, responsibilidad ng supplier na gawing maayos ang serbisyo nito lalo pa’t isang pambansang kaganapan ito.

Ayon kay Guanzon agad na nagdeliver ng isanglibong kopya ng bagong SD card ang S1 sa mga apektadong lugar o polling centers.

Matatandaang isang libong SD card ang hindi gumana na nagdulot ng pagkaantala ng bilangan ng boto sa national posts.

Kaugnay nito ilang VCMs din ang pumalpak sa halalan na kasalukuyan na ring bahagi ng imbestigasyon ng Comelec.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *