third party investigation
National

Comelec, bukas sa third party investigation kaugnay sa halalan

BUKAS si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na magkaroon ng third party investigation sa umano’y iregularidad sa katatapos lamang na midterm elections.

Ayon kay Guanzon, nais niyang tiyakin sa publiko na handa sila sa inquiries o technical audit na mas nais nitong gawin ng isang independent third party.

Personal naman siniguro ni Guanzon sa lahat na walang naganap na dayaan sa halalan.

Matatandaang ilang mga kandidato ang nagpahayag ng pagkabahala na posibleng umanong nakaapekto sa resulta ng halalan ang nangyaring mga aberya sa voting process.

Una na ring nagpahayag ang ilang senador na posibleng magkaroon ng Senate probe ukol sa mga nangyaring aberya noong halalan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *