PUMANAW
Showbiz

Comedian-host na si Chokoleit pumanaw na

PUMANAW na ang comedian-host na si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay sa edad na 46.

Ayon sa kaniyang talent agency, namatay si Chokoleit dahil sa cardiac arrest kahapon ng madaling araw.

Sa kasagsagan umano ng kaniyang pagtatanghal sa Kawayan Festival sa lalawigan ng Abra, ay kapansin-pansin na kinakapos na ito sa kaniyang hininga.

Lalo pa itong nahirapang huminga pagkatapos nitong mag-perform kaya isinugod na ito sa Abra Provincial Hospital kung saan ito binawin ng buhay.

Labis namang ikinalungkot ni Claudine Barreto ang pagpanaw ng kaniyang loyal na kaibigang si Chokoleit.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan ni Chokoleit na sina Vice Ganda, Candy Pangilinan, at si Vhong Navarro.

 

Direktor ng programang Palibhasa Lalake, pumanaw na

PUMANAW na ang beteranong direktor na si Boyong Baytion.

Si Baytion ang direktor ng sikat na sitcom na “Palibhasa Lalake.”

Nakaburol ang labi ni Direk Boyong sa Immaculate Heart of Mary Parish Church sa UP Village, Diliman, Quezon City.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *