Pilipino Foundation
National

COA, kinuwestyon ang mga hakbang na ginawa ng Nayong Pilipino Foundation

Kinuwestyun ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng Nayong Pilipino Foundation (NFP) na magsumite ng patunay na nagsagawa sila ng independent appraisal sa mahigit siyam na ektaryang property na pinarentahan sa Hong Kong-based company.

Nabigo rin ang NFP na maglabas ng advertisement na mag-iimbita sa iba pang interested parties para mag-bid sa development project.

Ito ay bago aprubahan ng Board of Trustees (BOT) ang lease agreement sa Landing Resorts Philippines Development Corporation (LRPDC).

Sinabi ng COA na hindi naikumpara ng BOT ang alok ng korporasyon sa ibang quotations mula sa mga interesadong investor para madetermina na ito ang pinakamagandang offer sa NFP.

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NFP board dahil sa pag-apruba umano ng lease afreement sa LRPDC.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *