Cleveland
Sports

Cleveland Cavaliers, kampeon sa NBA East Finals

Naging exciting ang Game 7, do-or-die game, sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics.

Sa una at ikalawang kwarter ay lamang pa sa laro ang Celtics, ngunit pagsapit ng 3rd at final kwarter ay dito na nagpasabog ang Cavs.

Nagtapos ang iskor na 87-79 pabor sa Cavaliers.

Nanguna para sa Cavs si Lebron James sa kanyang 35 points at 15 rebounds.

Nag-ambag naman ng 19 points si Jeff Green at 12 points mula kay J.R. Smith.

Hindi naman nakalaro para sa Cavs dahil sa injury si Kevin Love.

Ang rookie naman na si Jayson Tatum ang kumamada ng husto para sa Celtics na nakakuha ng 24 na points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *