DA-BFAR
Metro

Clean-up drive sa Manila Bay, inilunsad ng DA-BFAR

Tututukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang paglilinis sa kapaligiran sa Manila Bay.

Ito ay  inilunsad ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa Island Cove Kawit, Cavite.

Araw-araw ay tone-toneladang basura ang napupunta sa Manila Bay na napapalibutan ng Bataan, Pampanga, Bulacan, at National Capital Region.

Manila Bay: Gawing “MMK” (Malinis at Masaganang Karagatan)

 Layunin nitong hikayatin ang buong komunidad na nakapalibot sa Manila Bay na makialam at maglinis sa kanilang lugar.

Nakiisa sina Senador Cynthia Villar, Agriculture Secretary Manny Piñol , Governor Crispin Remulla, iba’t ibang NGOS at ahensya ng pamahalaan at mga paaralan.

Ang nasabing Coastal Clean-Up ay bahagi sa kautusan ng Supreme Court sa labing apat (14) na ahensya ng pamahalaan na pasiglahin ang environmental condition ng Manila Bay.

Samantala, kinokonsidera ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol  na isama sa programa ang mga lokal na mangingisda.

Posible aniya na manghuli ng basura sa dagat ang mga mangingisda, na puwede namang ibenta at mai-recycle.

Troy Gomez

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *