CJFI
National

CJFI, nagdiwang ng ika-20 taong matagumpay na pagtupad sa misyon

Dalawampung taon na ang nakalipas, nang maitatag ang Children’s Joy Foundation Inc. (CJFI), hindi na mabilang ang mga programa at proyekto at patuloy pang lumalago sa tulong na rin ng mga taong walang sawang sumusuporta sa adhikain at misyon nito.

Kagabi, ipinagdiwang ng CJFI ang dalawang dekadang pagpapalaganap ng mabuting gawa sa mga kabataang mahihirap, inabandona, pinabayaan at walang kayang tustusan ang sarili.

Espesyal ang nasabing selebrasyon dahil sa pagdalo ng major benefactor , at founding chairman ng CJFI walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy na kilala rin dahil sa kanyang misyong makatulong sa milyon-milyong kabataan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa mensaheng ipinabatid mula sa kanyang mapait na karanasan sa kaniyang kabataan, minsan nitong naipangako sa kaniyang sarili na sa oras na siyay pagpalain ng amang makapangyarihan, sisikapin nitong tulungang iangat ang hirap na pamumuhay ng mga kabataan sa Pilipinas.

Dinaluhan ang nasabing selebrasyon ng iba’t ibang kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sponsors, at partner institutions kung saan kinilala ang mga ito sa kanilang walang sawang suporta sa institusyon.

Maging ang mga empleyado ng CJFI ay binigyang pagkilala rin.

Mga obra ng mga benepisyaryo, ibinida sa ika-20 anibersaryo ng CJFI

Bilang pasasalamat, isang awitin ang inihandog ng CJFI beneficiaries mula sa iba’t ibang CJFI residential center sa Luzon.

Samantala, sinasabing naipapahayag sa isang larawan ang damdamin at saloobin ng isang indibidwal.

Tampok sa anibersaryo ng Children’s Joy Foundation ang mga paintings na ito na gawa mismo ng mga bata na nasa iba’t ibang residential center sa buong bansa.

Iba’t ibang kulay, hugis at hitsura ng mga larawan ang bumungad sa mga dumalo sa nasabing selebrasyon.

Bahagi ito ng pagpapakita ng angking galing ng CJFI beneficiaries mula sa mga kalingang nakukuha ng mga ito sa ilalim ng libreng edukasyon na handog ng institusyon hindi lang sa espiritwal, kundi sa emosyonal, at sosyal na potensiyal ng bawat bata.

Ilan sa mga panauhin ay mapalad na napagkalooban ng mga paintings kaya naman ganun na lamang ang kanilang galak at saya.

Sa pagpasok ng panibagong pahina sa buhay ng CJFI, panibagong hamon at hangad ng institusyon na marami pang matulungang mahihirap na kabataan hindi lamang dito sa bansa, kundi sa buong mundo.

Ulat Ni: Jhomel Santos

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *