National

CJ Sereno sa Kamara: Ibasura ang reklamong ‘impeachment’

Ipinababasura ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang impeachment complaint na isinampa laban sa kaniya ni Atty. Larry Gadon sa Kamara.
Ayon sa kampo ni Sereno, walang katotohanan ang mga alegasyon na ibinabato laban sa kanya.
Sinabi ni Atty. Alexander Poblador, head legal counsel ng punong mahistrado, na ang mga umano’y authentic documents na nakapaloob sa impeachment complaint ni Gadon ay galling lamang sa mga news reports o articles.
Sawalumpu’tlimang (85) pahinangsagot, giit ni Sereno na hindi niya nilabag ang Saligang Batas para “doktorin” ang anumang resolusyon, Temporary Restraining Order (TRO) at kung ano pang issuance ng Korte Suprema.
Ipinakita rin ni Sereno ang kanyang Statement of Assets, Liabilities at Net worth (SALN), at iginiit na binayaran din niya ang kanyang mga buwis sa kanyang kinita na natatanggap mula sa mga piatco cases.
Binigyandiin din ni Sereno na walang korapsyon na naganap nang binili nito ang kontrobersiyal niyang sasakyan na Toyota Land Cruiser.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *