guro at mag-aaral
National

Christmas break sa elementary at high schools, mas pinaaga ng DepEd

MAGANDANG balita para sa mga guro at mag-aaral.

Mas pinaaga ng Department of Education (DepEd) ang Christmas break sa elementary at high schools.

Inilipat sa Disyembre 15 ang umpisa ng Christmas break ng mga estudyante sa elementarya at sekundarya, mula sa dating petsa na Disyembre 22.

Sa inamyendahan itong DepEd Order No. 25, Series of 2018.

Gayunman, mananatiling class day ang December 15 para sa mga aktibidad ng mga mag-aaral.

Sa Enero 2 naman magbabalik ang klase sa elementarya at high school.

Habang nananatili sa Abril 5, 2019 ang huling araw ng klase sa school year 2018-2019.

Layunin ng pinaagang bakasyon na makasama ng mas mahaba ng mga estudyante ang kanilang pamilya sa holiday season.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *