National

CHR, nababahala sa magkasunod na pagpatay sa 2 alkalde

Nababahala na ang Commission on Human Rights (CHR)

Sa magkakasunod na pagkakapatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili at General Tino, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sinabi ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, na naaalarma na ang Komisyon sa Karapatang Pantao sa pagpatay sa dalawang alkalde.

Tinukoy dito ni de Guia ang pagpatay kay Halili habang dumadalo ito sa flag raising ceremony sa siyudad.

Aniya, nakakaalarma na ang mga ganitong pangyayari dahil nailalagay na sa peligro ang maraming mamamayan.

Pagpatay kay Mayor Antonio Halili, planado

Planado ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ito’y ayon kay Interior and Local Government Officer-In-Charge Secretary Eduardo Año.

Sinabi ni Año na pinagplanuhan at pinag-aralan ng salarin ang kilos at iskedyul ni Halili na maaaring gabi pa lang ay nakapuwesto na ito sa lugar.

Kabilang sa tinitingnang motibo sa krimen ang politika, Walk of Shame program ni Halili at ang pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Inihayag din ng kalihim na wala silang nakikitang koneksyon sa kaso ng magkakasunod na pagpatay kina Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *