Xi Jinping
National

Chinese Pres. Xi Jinping, nais imbitahan ni Duterte sa kanyang bahay

NAIS imbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping.

Na bumisita sa kanyang bahay sa Davao City habang nasa bansa ito ngayong Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang inihayag ng pangulo sa mga Chinese reporter.

Matapos matanong kung iimbitahan niya ito sa kanyang bahay.

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Xi matapos ang pagdalo nito sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Papua New Guinea.

Sakaling matuloy ang pagbisita, hindi ito ang kauna-unahang may bumisitang world leader sa bahay ng pangulo.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang bumisita si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa bahay ni Pangulong Duterte.

Kung saan ipinakita nito ang kanyang kwarto maging ang kanyang kulambo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *