Chinese dredging vessel
Regional

Chinese dredging vessel sa Lobo, Batangas, nakaalis na

NAKAALIS na ang Chinese dredging vessel sa karagatan ng Lobo, Batangas, isang linggo matapos itong makita ng mga residente.

Ayon kay Lobo Mayor Jurly Manalo, 7:30 kaninang umaga ng tuluyan nang umalis ang MV Emerald sa lugar.

Ito ay matapos kanselahin ng Philippine Ports Authority ang Anchorage Permit ng dredging ship.

Ang pagkansela ay kasunod na din ng pagsuspende ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa environment compliance certificate ng Seagate Engineering and Buildsystems.

Ang naturang kumpanya ay umano’y nag-ooperate ng vessel sa Lobo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *