Chinese Coast Guard
National

Chinese Coast Guard na nang-aarbor ng isda sa WPS, pinadidisiplina

Hindi katanggap-tanggap sa Malakanyang kapag napatunayang nangunguha ng mga huling isda ng mga mangingisdang Pinoy ang mga Chinese Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pagharap ng ilan sa mga Pinoy na nangingisda sa disputed waters.

“Hindi po natin tinatanggap ang ganitong sitwasyon, ipinaglalaban po natin ang karapatan ng ating mangingisda dahil meron na pong kasunduan at inaasahan natin na susunod sa kasunduan ang bansang China at hindi po dapat kinukuhanan ng kahit isang kilong isda.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Ayon kay Roque, dapat lang disiplinahin ng China ang kanilang mga tao kasunod ng pagtitiyak na ibinigay sa kaniya ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na kanilang paiimbesitigahan ang nasabing insidente.

 “Ang pakiusap po namin sa Sambayanang Pilipino kung may bugok na Coast Guard sa Pilipinas may bugok din na Coast Guard sa Tsina so kinakailangan disiplinahin ng Tsina ang mga bugok na nagunguha ng isda dahil hindi ito katanggap tanggap.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Patuloy namang pinanghahawakan ng Pilipinas ang naging kasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na hindi nito pahihintulutan na ma-harrass ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Hannah Jane Sancho

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *