Chinese Coast Guard
National

China, parurusahan ang Chinese Coast Guard na nanguha ng isda sa mga Pinoy

Sakaling mapatotohanan na kinuha ng mga Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal ay didisiplinahin ito batay sa kaukulang batas ng China.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, “There will be discipline in accordance with our own regulations. I’m not sure about the details because it will be, the investigation is being conducted by competent agencies and they have their own corresponding regulations.”

Nagkaroon ng sandaling pag-uusap sina Pangulong Duterte at Ambassador Zhao bago nagsimula ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Ambassador Zhao, ibinahagi ang pag-uusap nila ng pangulo

Ibinahagi naman ni Zhao ang naging pag-uusap nila ni Duterte.

Ayon kay Ambassador Zhao, “President Duterte shared his concern about the Filipino fishermen.”

Dagdag pa niya, “I remember even before he took office he raised concern and now he took office China and the Philippines under the guidance of the presidents of both countries they reached into a friendly arrangement, which allows the Filipino fishermen to go back to the waters near Scarborough. So fishermen are fishing there. This arrangement has not changed and will not be changed.”

Nagbigay naman ng katiyakan ang Chinese Ambassador na hindi lalala ang sitwasyon sa Scarborough Shoal.

Paliwanag ni Zhao na mananatili ang kasunduan ng Pilipinas at China kung saan maaari pa ring mangisda ang mga Pilipino sa bahura.

Kaugnay naman sa mga hindi pinapayagang malalaking fishing vessel na makapangisda sa pinagtatalunang teritoryo idinahilan naman ni Zhao na may responsibilidad ang China na pangalagaan ang kalikasan.

Paliwanag ng Chinese vessel na ipinagbabawal ang commercial fishing vessels kaya mga maliliit lang na mangingisda ang pinapayagang makapangisda sa naturang bahura.

Hanna Jane Sancho

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *