China
International

 China, hinihikayat ang mga mamamayan na magdagdag ng anak

Unti-unting isinusulong ng China ang pagkakaroon ng hanggang tatlong anak mula sa iisang anak lamang.

Ito’y matapos ang mahigpit na pagpapatupad ng One Child Policy sa loob ng halos apatnapung dekada.

Ayon sa gobyerno ng China, mabagal pa rin ang pagtanggap ng kanilang mga nasasakupan sa bagong kautusan.

Naging kontrobersyal ang mahigpit na pagpapatupad ng One Child Policy noong mga nakaraang taon.

Ang mga lumalabag rito ay maaaring sumailalim sa sapilitang aborsyon, malalaking multa o kamatayan.

Pinapayagan lamang ng One Child Policy ang pagkakaroon ng pangalawang anak kung babae ang panganay.

Kinakaharap ng China ang bumababang bilang ng mga manggagawa at pagbulusok ng fertility rate na mahalaga upang tumatag ang kanilang populasyon.

Tumatanda na ang mga dating manggagawa habang mas nais ng mga nakababatang henerasyon na tumulong sa pamilya kesa mag-asawa dahil na rin sa economic pressure.

Nagsasagawa na ng iba’t ibang programa ang China upang hikayatin ang mga mag-asawa na huwag limitahan ang dami ng anak upang masolusyunan ang problema ng kanilang bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *