International

China, binigyan ng Estados Unidos ng draft resolution sa sanction vs NoKor

BINIGYAN ng Estados Unidos ang China ng draft resolution para sa mas mahigpit na parusa sa North Korea.
Ito’y upang isuko na ng North Korea ang kanilang weapons program na
nagdudulot ng pangamba sa buong mundo.
Ayon sa senior official ng Trump Administration, umaasa ang US na agad
itong pagbobotohan ng United Nations Security Council.
Patuloy aniya ang kanilang pagsisikap para sa bagong UN resolution subalit
wala pang kasunduan hinggil dito.
Kabilang sa nais higpitan ng US ang restrictions sa suplay ng refined
petroleum ng North Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *